Bugtong-Bugtong

Alkansiya
- Isang biyas na kawayan, maraming lamang kayamanan

Alitaptap
- Oo nga’t sili, nasa loob ang aligi

Alitaptap
- Munting anghel na lilipad-lipad, dala-dala’y liwanag sa likod ng pakpak

Alaala
- Ginawa mo na kahapon, naiwan pa ngayon

Alon
- May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat, lumukso ng pitong gubat, naglagos ng pitong dagat

Ampalaya
- Pagsipot sa maliwanag, kulubot na ang balat

Anino
- Ako’y may kaibigan, kasama sa kung saan-saan
- Mayroon akong kaibigan, sa liwanag ay kasama, sa dilim ay nawawala

Araro
- Isang matandang buktot, nakatitibag ng bundok

Araw
- Bolang kulay dilaw nang ihagis ko sa umaga, nang bumalik ay hapon na
- Kung ako’y titignan, pagtingin sa aki’y di ko masulyapan man lamang

Asin
- Hindi tao, hindi hayop, punong-puno ng buto
- Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig

Aso
- Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo

Babae
- Buhay na hiram lamang, pinagmulan ng sangkatauhan
- Malambot and puso’t mahina and bisig, ngunit pinagagalaw ang buong daigdig

Balimbing
- Hindi tao hindi hayop, may taglay na mukha kabi-kabilaan pa
- Nakatalikod na ang prinsesa, mukha niya’y nakaharap pa

Bakya
- Dinadala ko siya, dinadala niya ako
- Dala mo’y dala ka, dala ka ng iyong dinadala

Bakod
- Kayraming nakahiga, isa lamang ang abot sa lupa

Bangka
- Tinaga ko sa gubat, sa bahay nag-iiyak

Bahaghari
- Liwanag sa kalagitnaan, iba’t ibang kulay ang dalang kagandahan
- Damit ni Haring Ulap, iba’t iba ang kulay

Bahay
- Sa araw nagtataboy, sa gabiy nag-aampon
- Tubig kung sa isda, lungga kung sa daga, ngunit sa tao’y ano kaya?

Bahay-kalapati
- Bahay ng anluwagi, iisa and haligi

Balunbalunan
- Aling kakaning masarap ang nasa loob and balat

Bangka
- Ang puno’y nasa gubat, ang katawa’y nasa dagat

Banig
- Nakalatag kung gabi, kung araw ay katabi

Baril
- Walang ngipin, walang panga, mainit ang hininga

Baso
- May katawa’y walang bituka, may pueit ay walang paa, nakakagat tuwina

Bato
- Kakalat-kalat, natitisud-tisod, ngunit kapag tinipon, matibay na muog

Kamatsili
- Pulseras ng Reyna, pumuputok walang bala

Kamay
- Lima para sa isa, isa para sa lima

Kandila
- Kung kailan ko pa pinatay, saka humaba ang buhay

Kampana
- Putukan nang putukan, hindi nagkakarinigan

Kamote
- Kulay pulang ginto, sa ilalim ng lupa’y hinuhukay, sa tiyan ay may saysay

Kamiseta
- Isa ang pinapasukan,tatlo and nilalabasan

Kanin
- Aling kakanin dito sa mundo and ‘di pinagsasawaang tao

Karayom at Sinulid
- Narito si Kaka, hila-hila and bituka

Kawayan
- Nang bata’y sa langit nakatingala, nang tumand ay yumuko sa lupa
- Nang maliit ay nakabaro, nang lumaki’y naghubo

Kawali
- Hindi hayop, hindi tao, kumakain ng gisado

Kidlat
- Kabayo kong payat, pitong bundok, pitong lubak ang nilulundag

Gagamba
- Nagbahay si Maitim, walang haliging itinanim

Duhat
- Nang maliit ay Kastila, nang tumatanda ay bulaga

Guyabano
- Isang matinik na tampipi, asim-tamis lasang pinagsama, sa maputing laman niya

Itlog
- Bahay ni Diko, walang bintana, walang pinto

Makinilya
- Walang lapis, walang pluma, sumusulat ng napakaganda

1 Comment(s)

  1. hahaha very useful, I will recommend this one to my cousins I remember they have projects of Riddles and this one is nice - I think sa tagalog subject nla yun - bookmark ko po ha? and Ill make hard copy of it. Thnks…

    Mark Abucayon | Dec 6, 2007 | Reply

Sorry, comments for this entry are closed at this time.